“Good luck!” Ito ang tanging tugon ng Malacañang sa “President Rodrigo Duterte Act” na inihain ni Senator Imee Marcos.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, bahagi ng trabaho ng mga Senador ang gumawa ng mga batas para sa bayan at para sa ikabubuti ng bansa at hindi para sa kanilang sariling interes lamang.
Bago ihain ang panukalang batas, nagsagawa rin ng senate inquiry ang senador sa pag-aresto at pag-turn-over kay Duterte sa ICC.
Ayon sa explanatory note sa panukalang batas, layunin nitong maiwasan ang mga kaso ng extraordinary rendition o forced turn-over ng mga akusado sa mga dayuhang korte gaya ng sitwasyong kinakaharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.
Ang sinumang lalabag sa batas ay maaaring makulong ng hanggang 20 taon.