
Matagal nang pinaniniwalaan na ang aso ay itinuturing na “Man’s best friend”.
Alam mo ba na may isang walong taong gulang na batang lalaki na nakipag-usap sa isang aso sa pamamagitan ng pagtahol matapos siyang pabayaan ng kanyang pamilya.
Ang walong taong gulang na batang lalaki ay nakatira sa red zone ng Uttaradit Province, Thailand kung saan siya iniwan ng kanyang ina at kuya.
Dahil aso lang ang kasama niya, natuto rin siya ng ugali ng aso.
Nabatid na dinala ng ina ang kanyang anak sa paaralan ngunit isang beses lamang para makuha ang benepisyong ibinibigay sa kanila at hindi na na-enroll ang bata.
Hindi nag-aral ang bata at dahil iniwan siya ng kanyang pamilya, nakita niya ang pagmamahal at atensyon mula sa mga aso at sa halip na magsalita na parang tao, natuto siyang tumahol na parang aso.
Natuklasan ng pulisya na parehong positibo sa ilegal na droga ang 46-anyos na ina at ang kanyang 23-anyos na kapatid na lalaki.
Ang bata ay nasa Uttaradit Children’s Home na ngayon kung saan siya tinuturuan kung paano makipag-usap sa wika ng tao at binibigyan ng tamang edukasyon.