Four men, Indian and Nepalese nationals, have been arrested after allegedly using curry spice powder as a weapon in a robbery in Yoshikawa, Saitama Prefecture.

Arestado ang apat na lalaki na mga Indian at Nepalese national matapos umanong gumamit ng curry spices powder bilang sandata sa isang pagnanakaw sa Yoshikawa, Saitama Prefecture.

Ayon sa mga awtoridad ng Saitama, apat na lalaki mula sa India at Nepal ang lumapit sa 52-anyos na biktima.

Sa halip na patalim o baril, curry spice powder ang ginamit ng mga suspek at itinaboy ito sa mukha at mata ng biktima upang pansamantalang mabulag.

Gayunpaman, hindi sumuko ang biktima at buong tapang na nanlaban sa mga suspek, at hindi na nito binitawan ang kanyang bag.

Dinala sa pagamutan ang biktima para sa maayos na paggamot sa kanyang namamagang mata.

Sa tulong ng CCTV footage, inaresto ng Saitama Prefectural Police ang apat na suspek sa insidente at sinampahan sila ng assault attempted robbery.