Isang lalaki sa Laoag City ang namatay habang nakikipagtalik, matapos uminom ng sexual enhancer.
Ang biktima ay 47 taong gulang at residente ng Claveria, Cagayan Valley.
Ayon kay Dr. Rodrigo Catcatan ng City Health Office sa lungsod, may sakit umano sa puso ang lalaki, at na-trigger ito matapos niyang inumin ang sexual enhancer adiser para makipagtalik sa isang hotel.
Ayon sa doktor, kahit ang caffeine ay bawal sa mga may sakit sa puso.
Namatay umano ang lalaki habang gumagawa ng milagro sa isang babae na hindi pa pinangalanan.
Alinsunod dito, hinimok din ni Dr. Catcatan ang mga gustong gumamit ng sexual enhancers na kumunsulta muna sa doktor upang maiwasan ang anumang panganib sa kalusugan, lalo na ang mga may sakit sa puso.