LEGAZPI CITY-Ipinatupad ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang programang ‘TUPAD Behind Bars’ sa 70 Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa 3 district jails sa Sorsogon.
Ayon kay DOLE Bicol Regional Director Imelda Gatinao, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, matagal nang nagpapatuloy ang programang ito at nakikipagtulungan sila sa Bureau of Jail Management and Penology para mabigyan ng trabaho at matulungan ang mga PDL na makabalik sa populasyon at maiangat ang kanilang pagpapahalaga sa sarili.
Ang programa ay isinagawa sa loob ng 20 araw mula Hunyo 11 hanggang Hunyo 30 sa 30 city jails sa Sorsogon, 30 city jails sa Irosin, at sampu sa Gubat Reformatory Center.
Nakapagbigay sila ng trabaho sa mga preso kung saan nagsagawa sila ng paglilinis sa kanilang mga center, nagtanim, nagpinta, at nag-improve ng kanilang mga kagamitan para mapaganda ang kanilang mga pasilidad.
Nakatanggap din ng suweldo ang mga PDL sa kanilang 20 araw na pagtatrabaho na P415 kada araw at P8,300 kada tao, na may kabuuang P530,000 kasama ang kanilang mga bagong kagamitan tulad ng sombrero at iba pang kagamitan na umabot din sa P600,000.
Idinagdag ni Gatinao na ang programa ay mahalaga para sa self-efficacy, personal well being, at psycho-social ng mga nasa kulungan upang sila ay matukoy na may kapasidad para sa reporma at mabigyan ng pagkakataon para makabalik sa kani-kanilang mga pamilya.
May ilang PDL na rin ang nagpadala ng kanilang suweldo mula sa TUPAD program sa kanilang mga pamilya.
Idinagdag pa ng opisyal na ang ilan sa mga PDL, ay maaaring humingi ng assitance hinggil sa pagkuha ng mga sertipiko para sa kanilang mga NCII mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) dahil sa kanilang husay dito.
Nagkaroon din ng mga talakayan hinggil sa iba pang partnership ng ahensya at mga programang ipinatutupad sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Albay tulad ng Camarines Sur, Catanduanes, Masbate at ang mga programang ito ay ilulunsad din sa Legazpi City.
Hinikayat din ng opisyal ang publiko na magkaroon ng SSS dahil makakatulong ito sa mga emergency sakaling magkasakit at para sa iba pang komprehensibong programa.