The Albay Electric Cooperative has already implemented a reduction in electricity bills this June this year. According to Albay Electric Cooperative Spokesperson Anj Galero in an interview with Bombo Radyo Legazpi, the total bill decreased by P0.22 for residential and low-voltage member-consumers while the bill for high-voltage consumers decreased by P0.24 compared to the previous month.

LEGAZPI CITY-Inaprubahan na ng Albay Electric Cooperative (ALECO) ang karagdagang P10 sa buffer stock fund kada buwan.

Ayon kay ALECO Spokesperson Anj Galero, sa panayam ng Bombo Rayo Legazpi, may ilang nagreklamo ngunit ipinaliwanag din nila ang pangunahing dahilan kung bakit kailangan ng karagdagang pondo.

Hindi pa aniya ito maipapatupad dahil kailangan pang dumaan sa mga proseso at pag-apruba ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Sa kasalukuyan, nakatanggap sila ng P9 Milyon na pondo ngunit ang gastusin umano para sa iba pang mga ongoing procurement ay nasa P8 Milyon.

Dagdag pa ni Galero, mahalagang magkaroon ng karagdagang pondo para sa mga maaapektuhan sakaling magkaroon ng sakuna sa bayan at para sa pagkukumpuni ng mga kagamitan at suplay ng kuryente.

Matatandaang noong 2024, hindi naaprubahan ang P20 buffer stock fund at ang P10 na koleksyon ay unang ipinatupad noong Hulyo 2024.

Samantala, nasa 12,600 naman na mga Member-consumer owners (MCOs) ang dumalo sa Annual General Membership Assembly (AGMA) ng ALECO noong Hulyo 5.