LEGAZPI CITY-Nasunog ang isang residential na bahay at kapitbahay nito sa Purok 9 Tagas Daraga Albay, alas-4:32 ng hapon noong Hulyo 5, 2025.
Ayon kay Bureau of Fire Protection Daraga, Senior Fire Office 1 Jade Malto, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, tinatayang nasa P200,000 ang pinsala ng sunog sa lugar.
Tumagal ng 19 minuto ang sunog at sa isinagawang operasyon ng BFP, nakatapos ng 10 minuto an kanilang pagresponde.
Dalawang fire truck ng Daraga Fire Station ang rumesponde at inaalam pa ang sanhi ng sunog.
Nagkaproblema rin ang mga bumbero sa pagresponde dahil sa mababang mga kable ng kuryente sa lugar, kung saan napilitan silang gumamit ng mahahabang tubo para maabot at maapula ang apoy.
Wala umanong ebidensya na sinadya ang sunog.
Samantala, wala namang naiulat na nasugatan sa insidente.
Pinaalalahanan din ng opisyal ang mga residente na mag-ingat, panatilihin ang house keeping, at siguraduhing nakapatay ang mga kagamitan sa pagluluto at patayin ang mga breaker kung hindi kailangan ng ibang appliances, sa pag-alis ng kanilang mga tahanan.
LEGAZPI CITY-Naarestar na a no. 2 sa listahan kan most wanted person sa ciudad kan Ligao.
Segun kay Ligao City Police Lieutenant Colonel Herminio Olivares,...