
Ipinaliwanag ng Department of the Interior and Local Government Davao na limitado ang kapangyarihan ni Acting Mayor Sebastian “Baste” Duterte alinsunod sa Section 46(a) ng Local Government Code.
Ayon kay DILG City Director Vicky Sarcena, hindi ito maaaring kumuha, magtanggal, o magtalaga ng mga posisyon sa kawani, maliban sa mga contractual o job order.
Magagamit lamang niya ang buong kapangyarihan ng alkalde kung lumipas na ang 30 araw ng trabaho at hindi pa nakakabalik ang tunay na nanalo sa halalan.
Sinabi ni Sarcena na pansamantalang bakante pa rin ang mga posisyon ng Mayor at Vice Mayor hanggang sa magkaroon ng pormal na pagbibitiw o panunumpa mula sa proclaimed mayor-elect Rodrigo Duterte.
Sa kasalukuyan, opisyal nang si Baste Duterte ang Acting Mayor habang si Konsehal Rigo Duterte II ang Acting Vice Mayor.
Humihingi pa ng malinaw na direktiba ang DILG kay Pangulong Bongbong Marcos kung sino ang magdedeklara ng permanenteng bakante.
Sa kabilang banda, nananatiling bakante ang puwesto ni Rigo sa konseho hanggang sa magkaroon ng pormal na appointment mula sa Pangulo.
Kung mangyari man ito, inirerekomenda ng DILG na ang kanyang kapalit ay mula sa kanyang partido