A barangay secretary was shot dead inside her house in Dumanjug, Cebu. The victim was identified as Celsa Regidor Redondo, 62 years old, a widow and resident of Barangay Tubod-Dugoan.

Patay ang isang barangay secretary matapos pagbabarilin sa loob ng kanyang bahay sa Dumanjug, Cebu.

Kinilala ang biktima na si Celsa Regidor Redondo, 62 taong gulang, balo at residente ng Barangay Tubod-Dugoan.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan si Redondo.

Ayon sa imbestigasyon, pinasok ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang bahay ng biktima at pinagbabaril.

Natagpuan ang bangkay ng biktima sa kanyang kwarto.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang mga suspek at ang motibo ng krimen.