Pinayuhan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang 13 kasintahan sa Davao City na maghanap ng mga boyfriend na may credit card.
Ito ang ibinunyag kahapon ni Davao City Rep. Paolo Duterte sa isang panayam sa The Hague, Netherlands na ipinost ni dating presidential spokesperson Harry Roque sa kanyang Facebook page.
Ayon kay Davao City Mayor Sebastian Duterte, dapat itigil na ng mga babaeng may relasyon sa kanyang ama ang kanilang mga drama at away.
Ang payo ng dating Pangulo ay makaraang banggitin ng kanyang anak na si Veronica “Kitty” Duterte sa kanyang partner na si Honeylet sa kanyang social media account na isang babae na dating katrabaho ng kanyang ama ang nagpanggap na kapareha niya para makapasok sa pasilidad kung saan nakakulong si Duterte.
Ayon kay Veronica, hindi niya kinaya ang inaasal ng babae at hinamon niya itong umuwi ng Pilipinas para makipag-usap sa kanila.