A crocodile has married a mayor in the town of San Pedro Huamelula in Oaxaca, Mexico as part of a more than 200-year-old tradition that symbolizes the connection between humans and their environment.

Isang buwaya ang ikinasal sa isang alkalde sa bayan ng San Pedro Huamelula sa Oaxaca, Mexico bilang bahagi ng mahigit 200 years old na tradisyon na sumisimbolo sa koneksyon ng tao at ng kanilang kapaligiran.

Ipinakita sa seremonya na nakasuot ng puting damit-pangkasal ang buwaya habang hinahalikan ito ni Mayor Daniel Gutierrez sa harap ng mga residente.

Sa ritwal, kinikilala ang alkalde bilang hari ng tribong Chontal, habang ang buwaya ay itinuturing na prinsesa ng Huave.

Bago ang kasal, ipinarada ang buwaya sa paligid ng bayan at ipinakilala sa bawat kabahayan.

Binabati siya ng mga taganayon ng mga yakap, sumasayaw sila, at nagsasaya.

Para sa kaligtasan ng lahat, tinali ang bibig ng buwaya.

Nakasuot siya ng puting damit-pangkasal bago dinala sa bulwagan ng bayan para sa opisyal na seremonya.

Natapos ang kasal sa paghalik ng mayor sa buwaya sa bibig.

Pagkatapos ng seremonya, sumayaw ang alkalde at ang buwaya sa himig ng tradisyonal na musika.

Ayon sa mga residente, ang ganitong uri ng kasal ay nagdudulot ng magandang ani at maraming huli mula sa dagat.