LEGAZPI CITY- Itinuturing ng mga residente na ‘blessing in disguise’ ang nangyaring pag-ulan sa ilang barangay sa Sorsogon.
Nakatulong kasi ito upang mahugasan ang mga pananim at mga tahanan mula sa epekto ng pag-ulan ng abo mula sa bulkang Bulusan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi sa residente ng Barangay Gabao, Irosin na si Jude Adriel Dogaojo, sinabi nito na matapos ang panibagong phreatic eruption kagabi ay maraming mga residente ang nanatili muna sa loob ng kanilang mga tahanan upang maiwasan na malanghap ang asupre at abo.
Regular din umano ang paalala ng mga barangay officials sa mga kinakailangang gawin.
Nabatid naman na marami ang pinili na huwag ng lumikas, maliban na lamang sa mga mayroong respiratory illness at mga may edad na.