Evacuation in Sorsogon due to Bulusan eruption
Evacuation in Sorsogon due to Bulusan eruption

LEGAZPI CITY- Personal na nakipag-ugnayan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamahalaang panlalawigan ng Sorsogon upang alamin ang sitwasyon kasunod ng pag-aalburuto ng bulkang Bulusan.

Ayon kay Sorsogon provincial government spokesperson Dong Mendoza sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na nakipag-ugnayan na ang pangulo at inalam kung ano an pangangailangan ng mga apektadong residente.

Matatandaan na marami kasi ang naapektuhan ng pagbagsak ng abo mula sa bulkan.

Samantala, inaasahan na darating sa lalawigan si Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian bukas upang maghatid ng tulong sa mga apektadong residente.

Ayon kay Mendoza na limitado ngayon ang galaw ng karamihan dahil sa umiiral na election laws subalit ginagawa ang lahat upang maibsan ang epekto ng sitwasyon.

Iginiit nito na iniiwasan nila ang partisipasyon ng mga kandidato na posibleng gamitin ang sitwasyon upang makapangampanya.

Ipinapasakamay na rin sa mga barangay officials ang pamamahagi ng ayuda dahil wala umanong pipiliin at lahat ng mga residente ay mapapaabutan ng family food packs.