LEGAZPI CITY- Inaasahan na magpapatuloy ang suporta ng pamahalaan ng Australia sa Pililipinas sa pagdepensa ng teritoryo ng bansa.
Ito ay kasunod ng donasyon ng Australia sa Pilipinas ng 20 drones o unmanned aerial system na nagkakahalaga ng P34 million.
Ang naturang mga drones ay inaasahang makakatulong sa pagpapatrolya ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Denmark Suede na kabilang sa istratehiya ng Australian government ang pagpapalakas sa Pilipinas bago pa man maisakatuparan ang pinangangambahan na pagsakop ng China sa Taiwan.
Hindi kasi aniya maipagkakaila na apektado ang maraming bansa kung sakaling tuluyang masakop ng China ang Taiwan, na inaangkin nito bilang bahagi ng kanilang teritoryo.
An nasabing mga drones ay una pa lamang umano na donasyon ng Australia at inaasahan na may mga susunod pa, batay sa napagkasunduan ng dalawang bansa.
Samantala, inaasahan na malaking tulong ang naturang mga drones para sa pagpapalakas ng pwersa ng Pilipinas.