LEGAZPI CITY – Hindi nababahala ang mga Overseas Filipino Workers sa South Korea sa epekto ng wildfire sa kabila ng tumataas na numero ng death toll.
Base kase sa latest monitoring na umabot sa 24 katao na ang namatay sa mga magkakahiwalay na wildfire sa nasabing bansa kung saan karamihan dito ay mga nasa edad 60 at 70 taong gulang.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Juneil Lee Acula na tuloy pa rin ang kanilang trabaho dahil hindi pa naman sila inaabot ng apoy kahit 50 kilometers umano ang kanilang distansya mula sa wildfire.
Nagpalabas na rin ang Philippine Embassy ng notice na maging mapagmatyag sa kapaligiran at manatiling nakatutok sa mga abiso ng mga gobierno sa Sokor na napektuhan ng sunog.
Wala pa rin umanong ipinapatupad na force evacuation sa kanilang lugar kahit umabot na sa 23,000 na mga pasilidad ang naapektuhan.
Sinabi pa nito na pansamantala ring itinigal ang klase sa mga apektadong lugar dahil sa patuloy na pagtaas ng numero ng mga nasusugatan at namamatay.
Hindi rin umano nakaligtas sa wildfire ang mga templo sa South Korea na idienklara ng UNESCO bilang world heritage site.
May isa din na eroplano na tumutulong sa pag-apula ng apoy ang bumagsak at sa kagandahan umano ay wala namang nagyaring masama sa piloto.
Binigyan-diin ni Acula na mabuti umano na advance ang South Korea sa mga teknolohiya patungkol pagtutok sa mga naglalabasan na mga kalamidad kaya’t napaghandaan na nila ang mga ganitong scenario.