Overseas Filipino Workers in The Netherlands support the planned zero remittance protest following the arrest of FPRRD.

LEGAZPI CITY – Suportado ng mga Overseas Filipino Workers sa The Netherlands ang pinaplanong zero remittance protest kasunod ng pagkaka-aresto ki FPRRD.


Matatandaan na plano ng ilang grupo sa Europa, partikular an Maisug Croatia, na ilunsad ang “Zero Remittance Week” na magsisimula sa Marso 28 hanggang Abril 4 ngayong taon.


Ayon kay Bombo International News Correspondent Luigi Roa na simula ng sumali ito sa rally ni VP Sara noong nakaraang linggo, inendorso na ang pagsasagawa ng protesta para ikondina ang pagkaka-arestar sa dating presidente ng Pilipinas.


Ngunit paglilinaw niya na hindi si VP Sara ang nagpasimuno ng protesta kundi ang nag-organisa ng rally na duterte supporters na taga-Paris.


Kung siya umano ang tatanungin, walang problema kahit hindi dae siya magpadala sa kaniyang pamilya sa Pilipinas sa loob ng nasabing mga araw.


Gusto nila Roa na maki-isa sa protesta dahil dapat ay makauwi na ang dating presidente sa Pilipinas at dito niya harapin ang kaniyang mga kaso at hindi sa The Netherlands.