abaca strippers in Catanduanes
© photo from web

LEGAZPI CITY- Personal na bumisita sa lalawigan ng Catanduanes si Philippine Fiber Industry Development Authority Executive Director Arnold Atienza at nakita ang sitwasyon ng mga magsasaka at abaca strippers.

Ayon kay Catanduanes Provincial Fiber Officer Bert Lusuegro sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na napag-usapan ng mga opisyal ng tanggapan at stakeholders ang pagkakaroon ng mechanization sa lalawigan.

Kabilang sa mga ito ang pagkakaroon ng access road sa mga abaca plantations upang hindi na mano-mano ang pagbubuhat ng mga abacaleros sa kanilang produkto mula sa bundok patungo sa merkado.

Paliwanag ng opisyal na kinakailangan na ma-modernize na ang mga ekipahe at transportasyon sa lalawigan upang kahit papano ay mabawasan ang sakripisyo ng mga abaca farmers.

Inaasahan rin na mapapalakas nito ang produksyon ng abaca sa island province.
Ayon kay Lusuegro na inaasahan na masisimulan ang naturang plano sa susunod na taon upang mapakinabangan na ng mga abacaleros.