Patay ang dalawang taong gulang na paslit matapos itong mahulog sa balon sa Barangay Lacaron, Dao, Capiz.
Ayon kay Police Captain Rian F. Ampoyos, hepe ng Dao Municipal Police Station na lumabas sa kanilang pagsisiyasat na naglalaro ang naturang paslit sa bakuran kasama ang anim na taong gulang na kapatid habang abala naman ang ina sa mga gawaing bahay.
Napansin na lamang umano ng nakatatandang kapatid na nawawala na ang kaniyang kapatid kaya agad na tinawag ang kanilang ina.
Nabatid na nahulog na pala ang paslit sa balon.
Sinubukan pa ng mga rescuers na iligtas ang biktima at dahil ito sa pagamutan subalit idineklara na dead on arrival.