Maria-Cabagan bridge
Maria-Cabagan bridge

LEGAZPI CITY- Naniniwala ang isang mambabatas na buhay at talamak pa rin ang sistema ng kickback sa mga infrastructure projects ng pamahalaan.

Ito ay kaugnay ng paghahain ng Makabayan bloc lawmakers ng resolusyon na maimbestigahan ang pag-collapse ng Maria-Cabagan bridge sa Isabela province.

Ayon kay Kabataan Partylist Representative Raoul Manuel sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na hindi lamang isang isolated case ang nangyari sa naturang proyekto.

Paliwanag ng mambabatas na mas maraming pondo ang ibinubuhos ng pamahalaan sa mga proyektong pang imprastraktura kaysa sa iba pang sektor dahil mas malaki ang naibubulsang pondo dito.

Aniya, nakaka awa ang mamamayang Pilipino kung hindi mawawakasan ang kickback system sa naturang mga programa.

Samantala, sinabi rin ni Representative Manuel na tila hindi gaanong malakas ang pagnanais ng administrasyon na mapanagot ang may kapabayaan sa naturang proyekto kaya dapat lamang na suportahan ang inihain nilang resolusyon.

Panahon na umano upang labanan ng mga mamamayan ang korapsyon at palpak na serbisyo sa buong bansa.