LEGAZPI CITY – Bumisita ang ilang mga foreign tourists sa sikat na mga pasyalan sa lungsod ng Legazpi sa kabila ng mataas na heat index sa lungsod.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi sa turistang mula pa sa Israel na si Atty. Zedlilit Vitilson, sinabi nito na napili nilang magbakasyon sa lungsod dahil sa mga kilalang tourist attraction.
Isa aniya sa mga nais nilang masilayan ay ang ganda ng bulkang Mayon.
Pagsasalarawan nito na marami ang scenic view sa lungsod kaya nais niyang balik-balikan.
Target rin umano ng kanilang grupo ang sikat na ATV ride kahit pa mataas ang heat index na naitatala sa lungsod simula pa noong nakalipas na mga araw.
Matatandaan na kilala ang ATV ride lalo na at karaniwang destinasyon ang mga lugar na kitang-kita ang ganda ng Mayon volcano.
Samantala, inanyayahan rin ni Atty. Vitilson ang iba pang mga kapwa turista na kung papasyal sa Pilipinas ay huwag kakalimutan ang pagbisita sa lungsod.