Philippine Air Force fighter jet

Inihayag ng Philippine Air Force na nawawala ang FA-50 fighter jet nito habang nagsasagawa ng tactical night operation.

Ayon kay Air Force spokesperson Colonel Maria Consuelo Castillo na nawalan ng komunikasyon sa naturang aircraft, ilang minuto lamang bago marating ang target area.

Sinubukan pang makakonekta ng mga kasamahan nitong aircraft subalit tuluyan ng nawala ang FA-50 fighter jet.

Nabatid na dalawang piloto ang sakay ng naturang aircraft habang nasa operasyon.

Kaugnay nito ay nagsasaga naman ng search operationsang mga otoridad upang mahanap ang nawawalang aircraft at mailigtas ang mga crew nito.