LEGAZPI CITY- Nagpapatuloy ang pagpapaabot ng pamahalaan ng tulong sa mga abacaleros sa lalawigan ng Catanduanes matapos maapektuhan ang kabuhayan ng nakalipas na mga kalamidad.
Ayon kay Philippine Fiber Industry Development Authority Catanduanes Provincial Fiber Officer Bert Lusuegro sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na nakapagpaabot na ng mga family food packs sa mga apektadong magsasaka.
Nakapag release na rin umano ng pondo para sa mga totally damaged at partially damaged ang mga pananim na abaca upang makaagapay sa pangangailangan ng mga ito.
Nabatid na marami pa rin kasi ang pilit na isinasalba ang napinsalang mga abaca upang mapakinabangan pa.
Sa kasalukuyan ay tinatayang nasa 50% pa lamang ang naipapatayong mga puno ng abaca matapos padapain ng mga nakalipas na sama ng panahon.
Maaalala na maraming mga abaca kasi ang natumba at naputol dahil sa bagyong tumama sa island province.
Sinabi ni Lusuegro na mas mura rin ngayon ang halaga ng mga abaca dahil sa mababang kalidad nito.