LEGAZPI CITY – Nanawagan ang isang digital rights advocacy group sa gobyerno na ibasura na ang Sim Card Registration Act.
Sa harap ito ng patuloy pa rin na pagtaas ng kaso nin text scams sa Pilipinas sa kabila ng halos isang taon ng pagpapatupad ng batas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Jenna Rodriguez ang media communications officer ng Junk Sim Registration Network, hindi naging epektibo ang Sim Card Registration Act dahil hindi naman natupad ang pangunahing layunin nito na mapigilan ang mga scammers na lalo pang nagiging aktibo ngayong papalapit na ang eleksyon.
Karamihan umano ng mga reklamong kanilang natatanggap ay tungkol sa mga text na nagpapadala ng link ng mga kaduda-dudang websites.
Ayon kay Rodriguez, sinubukan ng kanilang grupo na ireport ang ganitong mga kaso subalit hindi naman naaksyonan at hindi rin nahuhuli ang mga nasa likod ng text scams.
Dahil dito, panawagan ng grupo na ibasura na lamanag ang Sim Card Registration Act at huwag ng obligahin pa ang mga Pilipino na magsumiti ng kanilang sensitibong impormasyon kung hindi rin naman mapapakinabangan ang batas.