LEGAZPI CITY – Naitala kahapon sa Pilipinas ang pinakamahabang araw na epekto ng isang astronomical phenomenon na tinatawag na summer solstice.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Christian Allen Torevillas isang Weather Specialist, nagsimulang sumikat ang araw ng alas 5:28 ng umaga at lumubog ng 6:28 ng gabi.

Sa kabuohan eksaktong 13 oras ang haba ng araw kahapon.

Paliwanag ni Torevillas na epekto ito ng paglapit ng araw sa norteng bahagi ng mundo kung kaya mas matagal rin na tinatamaan ng liwanag ang bansa.

Kabaliktaran ito sa winter solstice sa darating na Disyembre kung saan pinakamahaba naman ang gabi at pinakamaikli ang araw.