Congress
Congress

LEGAZPI CITY- Naalarma ang isang Bicolano solon na patuloy na pagdami ng Chinese students sa ilang bahagi ng bansa, partikular na sa lalawigan ng Cagayan.

Ayon kay Ako Bicol Partylist Representative Atty. Jil Bongalon sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na kinakailangang maimbestigahan kung lehitimo ang pagpasok ng mga ito sa Pilipinas lalo pa at isyung pang seguridad ang pinag-uusapan.

Aniya, normal lamang ang pagkakaroon ng exchange students subalit kinakailangan aniyang masiguro na sumusunod ang mga ito sa mga itinakdang polisiya.

Nagtataka rin ang mambabatas kung bakit sa lalawigan ng Cagayan dumagsa ang naturang Chinese students lalo pa at nasa lugar aniya nakabase ang ilang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites.

Dagdag pa ni Bongalon na nabatid pa na misming ang lokal na pamahalaan ng Tuguegarao City ang nagi-sponsor sa naturang mga estudyante Chinese kaya hindi umano maiwasan ang mga pagdududa.