LEGAZPI CITY – Nagsususpendi na rin ng face-to-face class ang ilang mga paaralan sa lungsod ng Sorsogon dahil sa matinding init ng panahon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Jose Doncillo ang School Superintendent kan Schools Division Office kan Sorsogon City, ilang mga estudyante na ang nagrereklamo ng pananakit ng ulo at pagkahilo kung kaya napagdesisyonang kanselahin na muna an klase tuwing hapon.
Nagbibigay na muna ng modules sa mga mag-aaral upang tuloy pa rin ang pag-aaral ng mga estudyante.
Ayon kay Doncillo, ipinaubaya na rin ng Department of Education sa mga school principal ang desisyon kung magkakansela ng klase o hindi depende sa sitwasyon sa kanilang paaralan.
Payo naman ng opisyal sa mga estudyante na uminom ng maraming tubig, magdala ng payong at iwasan na muna ang pagbibilad sa sikat ng araw ngayong mainit ang panahon.