students inside classroom
students inside classroom

LEGAZPI CITY – Sinuspendi na ng lokal na gobyerno ng Camalig ang face-to-face class sa mga paaralan sa bayan tuwing hapon dahil sa mataas na heat index na naitatala.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Camalig Mayor Caloy Baldo, inutosan na ang mga principal ng mga paaralan na gawing modular based na muna ang klase tuwing hapon.

Mas pinaaga na rin ang pagsisimula ng pasok na ginawa ng alas 7 ng umaga hanggang alas 11.

Hindi na rin inoobliga pa na magsuot ng uniporme ang mga estudyante at pinayohan na isuot ang damit na komportable sa mainit na panahon.

Layunin umano nito na mabawasan ang exposure ng mga bata sa matinding init ng panahon na posibleng magdulot ng negatibong epekto sa kalusugan.

Maliban sa Camalig, nag-anunsyo na rin ang mga lokal na gobyerno ng Guinobatan, Oas, Polangui at Libon na pinapayagan na ang mga paaralan na magsuspendi ng face-to-face class dahil sa matinding init ng panahon.