LEGAZPI CITY – Inaasahan ng idideklara ngayong araw ang state of calamity sa bayan ng Pio Duran sa Albay dahil sa epekto ng El Niño.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Pio Duran Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Head Noel Ordoña, nagkaroon na ng kakulangan sa suplay ng tubig ang ilang mga lugar sa bayan dahil sa tagtuyot.
Tinatayang nasa 33 barangay na ang apektado ng tagtuyot kung saan 28 dito ang nakapagtala ng pinsala sa mga pananim.
Nasa 1,232 na ektarya ng taniman ang apektado ng matinding init ng panahon.
Magkakaroon ng sesyon ngayong araw sa Sangguniang Bayan para pormal ng aprobahan ang deklarasyon ng state of calamity sa bayan.