LTO checkpoint
LTO checkpoint

LEGAZPI CITY – Mas mahigpit ang gagawing pagbabantay ng Land Transportation Office sa mga kalye ngayong papalapit na ang Semana Santa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Land Transportation Office Bicol Director Francisco Ranches Jr., kagaya ng mga nakalipas na taon maglalagay ng dagdag na mga tauhan ang ahensya sa mga kalye upang matiyak na nasusunod ang mga ipinatutupad na regulasyon.

Partikular na nakikitang bayolasyon ang hindi pagsusuot ng helmet, overloading, hindi pagsusuot ng seat belt, pagmamaneho ng walang lisensya at rehistro at iba pa.

Payo naman ni Ranches na ngayong Semana Santa ay hindi papalampasin ang ganitong mga paglabag na posibleng mabigyan ng kaukulang penalidad.

Dahil dito, panawagan ng opisyal sa mga babiyahe ngayong Holy Week na tiyakin na nasusunod ang lahat ng mga patakaran sa kalsada.