matnog-port-stranded-passngers
matnog-port-stranded-passngers

LEGAZPI CITY – Naghahanda na ang Matnog port sa inaasahang dagsa na naman ng mga pasahero simula ngayong Linggo kaugnay ng Semana Santa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Matnog Port Acting Division Manager Achilles Galindes, simula sa araw ng Sabado ay inaasahan ng dadami ang mga babiyahe pauwi sa kanilang mga lalawigan para sa mahabang bakasyon.

Dahil dito muli ng inilunsad sa pantalan ang Oplan Biyaheng Ayos.

Maglalagay ng dagdag na mga tauhan ang Philippine Coast Guard, Philippine National Police at Maritime Industry Authority na magbibigay ng seguridad sa pantalan.

Sa mga kalye ay maglalagay rin ng help desk ang Land Transportation Office at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council na tutulong sa mga bumabiyaheng motorista.

Umaasa si Galindes na wala ng papasok pang bagyo sa lalawigan upang tuloy tuloy lang ang biyahe ng mga barko at hindi na humaba ang pila ng mga pasahero.