Pending wage order in Bicol
Pending wage order in Bicol

LEGAZPI CITY – Mariin ang pagkontra ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) sa isinusulong na daily minimum wage hike ng mga manggagawa sa pribadong sektor.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay ECOP President Sergio Ortiz-Luis Jr, sinabi nito na dapat na maintindihan ng publiko ang magiging epekto ng hinihinging dagdag-sahod s Micro-, Small and Medium-sized Enterprises.

Aniya, halos 90% ng mga negosyo sa bansa ay micro, 8% ang small, 1% ang medium at less than 1% ang large.

Ayon kay Luis, malinaw sa naturang bilang na hindi kakayanon ng mga employer ng mga maliliit na negosyo ang hinihinging P350 pataas na daily minimum wage hike.

Sinabi nito na tiyak na magkakaroon ng collateral damage dahil posibleng maraming mga negosyo ang pwedeng magsara at libo ang mawawalan ng trabaho.

Malibanan pa rito, inaasahan din ang pagtaas ng inflatiion sa 1.2% hanggang 2%.

Paliwanag ni Luis na sapat na ang taon-taon na ibinibigay na minimum wage hike ng regional wage boards na magaan din para sa mga maliliit na negosyo.

Panawagan na lamang nito sa Kongreso na kahit hindi na ang mga negosyante ang pakinggan kundi ang mga ekonomiya na lamang na nakakalaam ng magiging resulta oras na ipilit na isulong ang daily minimum wage hike.