LEGAZPI CITY – Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang lalawigan ng Catanduanes bandang alas-4:41 ng madaling araw, Huwebes, Nobyembre 30.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang epicentro ng lindol sa layong 11km southwest ng bayan ng Caramoran.

May lalim itong 13km at tectonic in origin.

Bunsod nito nakapagtala ng intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity III – Naga, CAMARINES SUR

Instrumental Intensities:
Intensity III – Virac, CATANDUANES;
Intensity II – Tabaco, ALBAY; Pili, CAMARINES SUR; Castilla, SORSOGON
Intensity I – Sipocot, CAMARINES SUR

Dagdag ng tanggapan na wala namang inaasahang aftershocks o pinsala sa mga ari-arian matapos ang pagyanig.