5 municipalities in Sorsogon declared 'drug-cleared'
5 municipalities in Sorsogon declared 'drug-cleared'

LEGAZPI CITY – Umabot na sa walo ang mga bayan na ideneklarang drug cleared sa lalawigan ng Sorsogon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PLtcol. Allan Espares Macoy, Public Information Officer ng Sorsogon PPO, nasa limang bayan ang nadagdag kabilang na ang Bulusan, Magallanes, Casiguran, Prieto Diaz at Sta. Magdalena.

Pormal na ideneklar na drug cleared ang naturang limang munisipalidad sa isinagawang deliberasyon via online ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing (ROCBDC).

Dinaluhan ito ng lahat na local chief executives ng naturang mga bayan.

Ayon kay Macoy, mayroon pang dalawang bayan na nakalasang para sa candidate of deliberation bilang applicants sa municipality for drug clearing na nakatakda sa Hunyo ng kasalukuyang taon.

Nangangahulugan lamang ito na sa 15 munisipalidad sa lalawigan, apat na lamang ang natitira kabilang na ang Sorsogon City sa mga hindi pa drug cleared.

Ibinida ni Macoy na ang Sorsogon ang nangungunang lalawigan sa Bicol pagdating sa drug clearing.

Aniya, resulta ito ng pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan ng mga awtoridad at komunidad upang tuluyan ng masawata ang iligal na droga sa lalawigan.