LEGAZPI CITY – Naka-full alert na ngayon ang Albay Police Provincial Office para sa pagbibigay seguridad sa publiko ngayong Semana Santa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Albay PPO spokespeson PCapt. Kharren Formales, nasa 85% na PNP personnel ang ipinakalat sa buong lalawigan.
Binubuo ito ng 1,500 na kapulisan na naka-deploy sa mga pantalan, terminal, mall, simbahan, pilgrim sites at iba pang pasyalan na dinadayo ng mga tao tuwing Holy Week.
Dahil dito, inaasahan na ang mas maraming checkpoints sa mga entry at exit points sa bawat bayan at lungsod sa lalawigan.
Mas pinalakas din ang mga inilatag na police assistance desks maging ang mga motorist assistance centers.
Kasabay nito, activated na rin ang Oplan Sumvac 2023 upang matiyal ang seguridad ng mga magbabakasyon ngayong summer season.
Maliban dito, nakatutok pa rin ang kapulisan kontra kriminalidad tulad ng kampanya iligal na droga, insurhensya at iba pa.