Sa harap ng nagpapatuloy na gera, 11 mga sundalo ng Russia ang napatay matapos na paulanan ng bala ng dalawang volunteers habang sumasailalim sa training sa Belgorod Region na katabi lamang ng Ukraine.
Ayon sa Russian Defense Ministry isang uri ng teroristang pag-atake ang nangyari na mariin nitong kinokondena.
Nasa 15 mga sundalo naman ang nasugatan sa insidente habang hindi pa ipinapalabas ng Russia kung ano na ang kalagayan ng mga suspek sa pag-atake.
Nabatid na sumasailalim sa training ang naturang mga sundalo bilang paghahanda sa nakatakdang pagsabak sa gera sa Ukraine.