Muling nagpalipad ng dalawang magkasunod na ballistic missiles ang North Korea ngayong araw ng Linggo.
Ayon kay Japan state minister of defense Toshiro Ino, nasa anim na minuto lamang ang pagitan ng pagpapalipad ng mga missiles na pinaniniwalaang mula sa isang submarine.
Hindi pa naman mabatid kung saan ang eksaktong lokasyon ng binagsakan ng mga missiles subalit nasa labas na umano ito ng exclusive economic zone (EEZ) ng Japan.
Dahil sa insidente, nakikipag-ugnayan na ngayon ang Japan sa Estadus Unidos at South Korea sa gagawing hakbang kasunod ng insidente.
Maaalalang ngayong linggo lang ng pansamantalang pinalikas ng mga otoridad ang mga residente sa ilang bahagi ng Japan dahil sa pagdaan ng missile ng North Korea sa kanilang bansa.
Bilang ganti, magkakasunod rin na nagpalipad ng missiles ang Amerika at South Korea na pawang bumagsak sa karagatan malayo sa EEZ ng anumang bansa