LEGAZPI CITY – Nasa 46 na pamilya ang naapektuhan ng nangyaring malaking sunog sa Brgy. Nursery sa Masbate City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay CInsp. Sarena Tolarba, Masbate City Fire Marshal, umabot sa ikatlong alarma ang sunog na tumagal ng halos isang oras may kalahati bago naapula ang apoy.
Nasa 38 na bahay ang totally damaged at dalawa ang partially damaged.
Ayon kay Tolarba, nakakalungkot ang naging kalagayan ng mga biktima dahil halos natupos ang mga bahay at wala ng pwedeng mapakinabangan.
Dikit-dikit at halos gawa sa light materials ang naturang mga bahay kaya’t mabilis na kumalat at lumakit ang apoy.
Apat na fire truck ng Masbate City BFP ang rumesponde katulong ang mga volunteer fire brigade.
Sinabi ni Tolarba na umabot sa halos kalahating milyon o halos P450,000 ang halaga ng pinasala ng naturang sunog habang inaalam pa ang pinagmulan ng sunog.
Sa kasalukayan, sa evacuation center muna ng barangay nanatili ang mga nasunugang pamilya habang nagpadala na rin ng relief goods ang lokal na pamahalaan bilang tulong sa mga naapektuhan.
Mariing babala ni Tolarba na mag-ingat at suriin ang mga posibleng pagmulan ng sunog.
Inabisuhan din ang publiko ngayon na Christmas season na iwasan ang pagbili ng mga substandard na eletrical appliances tulad ng christmas light.