LEGAZPI CITY – Maswerteng nakaligtas ang 16 katao na sakay ng bangkang lumubog sa kadagatang bahagi ng San Pascual, Masbate.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazp kay Petty Officer 2nd class Donald Canoy ng Coast Guard San Pascual, tatlong oras na nagpalutang-lutang sa dagat ang mga sakay ng bangka bago nailigtas.
Una rito, mula ang bangka sa Camarines Sur at papunta sana sa coastal barangay ng San Jose sa San Pascual.
Subalit sinalubong ng malalakas na hampas ng alon, hangin at ulan ang bakay kaya pinasok ng tubig, na naging dahilan ng paglubog.
Sinasabi rin na overload ang bangka na may kargang mga kaso ng bigas at animal feeds.
Swerte naman na may napadaan na mangingisda sa kinalalagyan ng mga pasahero kaya unang nailigtas ang tatlong bata at nakahingi agad ng ito ng tulong.
Tinatayang nasa 3 nautical miles o higit 5 kilometers umano ang layo ng pinaglubugan ng bangka sa pinakamalapit na baybayin ng Burias Island, kung nasaan ang San Pascual.
Sa kasalukuyan, nasa maayos ng kalagayan ang naturang mga pasahero at nakauwi na sa kani-kanilang mga bahay.
Mahigpit na paalala ni Canoy na alamin muna ang lagay ng panahon bago bumiyae at huwag lumayag ng gabi dahilan maliban sa delikado pahirapan din ang pag-rescue kung sakaling may mangyari.