SCREEN GRAB FROM ENGR. BELARO VIDEO

LEGAZPI CITy – Maswerteng nakaligtas ang mga sakay ng isang truck na nahulog sa bangin sa Viga, Catanduanes.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PLt. Alex Alcantara, hepe ng Viga PNP, pagmamay-ari ng lokal na pamahalaan ng bayan ang naturang sasakyan na naghahakot ng mga kargamento ng Department of Trade and Industry (DTI) para sa caravan.

Mayroon itong mga karga na can goods, noodles, sabon at iba pang food items na dadalhin sana sa mga bayan ng Viga, Panganiban asin Bagamanoc.

Sinasabing nawalan ng kontrol ang truck pagdating sa pakurbadang kalsada dahilan upang tuloy-tuloy na bumulusok sa bangin na may taas na 50 metros.

Agad namang nakatalon ang tatlong pahenante, subalit napasama ang drive sa pagkahulog ng truck.

Lahat nagtamo ng minor injuries ang mga ito na kasalukuyang nagpapagamot sa Viga Distric Hospital.

Aminado si Alcantara na pahirapan ang pag-angat ng truck sa bangin, kaya tanging ang mga kargamento muna ang inalis sa lugar at dinala na sa pamahalaang panlalawigan para sa inventory.

Subalit ilan sa mga ito ay hindi na mapapakinabangan dahil na-damage.

Mariin ang paaalala ni Alcantara sa mga motorista na tiyaking nasa maayos na kondisyon ang sasakyan bagon ibiyahe lalo na kung dadaan sa mga kurbadang kalsada upang maiwasan ang anumang disgrasya.