LEGAZPI CITY- Masayang ibinahagi ng Departnment of Education (DepEd) Bicol na umaabot na sa 2,859 na mga paaralan sa rehiyon ang nakabalik na ngayon sa limited face-to-face classes.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Mayflor Jumamil ang tagapagsalita ng DepEd Bicol, 700 sa mga ito ang pampublikong paaralan habang 159 ang pangpribado na balik na sa normal nilang pasok.
Subalit tiniyak ng opisyal na mahigpit napapangalagaan ang seguridad ng mga estudyante sa loob ng paaralan dahil sa ipinatutupad na mga health protocols.
Bago pumasok sa paaralan kukunan muna ang mga mag-aaral ng kanilang temperatura, may inilagay ng alcohol at hugasan ng kamay, habang mahigpit na ipinatutupad ang social distancing.
Sa ngayon maganda naman umano ang takbo ng pagbabalik ng face-to-face classes sa rehiyon dahil wala pa naman na naiu-ulat na kaso ng COVID 19.