Inaresto ng pinagsamang pwersa ng mga otoridad ang nasa 11 mga armadong kalalakihan sa Barangay Burabod, Castilla.

Ayon sa PNP Sorsogon at Castilla MPS, lulan ang mga nasabing lalaki ng dalawang sasakyan at bumabiyahe na may dalang mga armas at bala.

Nauna na rin na naireport ng ilang opisyal ng barangay ng Macalaya ang ginagawang panghaharass umano ng grupo kung kaya rumesponde ang mga otoridad.

Kasalukyang nananatili sa kustodiya ng pulisya ang mga suspek habang isinasailalim sa ballistic examination ang mga baril na bitbit nito.