LEGAZPI CITY – Mariing tinututulan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines ang pagpapataw ng 20 percent tax sa honararium ng mga guro na magsisilbi bilang poll workers sa papalapit na May election.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay ACT Secretary General Raymond Basilio, sinabi nito na hindi makatarungan na sa maliit na honoraria na matatanggap ng mga Board of Election Inspectors (BEIs) ay babawasan pa ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Nangangahulugan ito na hindi na buo ang makukuha na budget para sa pamasahe kundi magiging abunado pa sa gastusin.

Umaasa ang grupo na haharapin sila ng Commission on Election sa Abril 6 upang magkaroon ng kalinawan kaugnay sa naturang usapin.

Nanawagan din na isalang na sa plenary discussion ang kahilingan na gawing exempted sa tax ang honararia ng BEIs na matagal ng pasado sa kongreso at kasalukuyang nakabinbin sa senado.

Batay sa Resolution 10727 ng Comelec, ang honarium gurong uupo bilang miyembro ng Eloctaral Board an makakatanggap ng P7,000 para sa chairman at P6,000 sa mga miyembro kasama an P2,000 na transport allowance.

Binigyan diin ni Basilio na dapat insentibo at hindi tax ang ibigay sa mga guro na piniling magtrabaho sa eleksyon sa kabila ng banta sa seguridad at kalusugan kapalit ang maliit na honararium.