LEGAZPI CITY- Nilinaw ni Mayor Noel Rosal na nananatili sa Alert level 3 ang lungsod ng Legazpi kasunod ng pagkalito ng publiko dahil sa pahayag ng Department of Health na nasa Alert Level 4 na ito kagaya ng Naga at Masbate City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Mayor Rosal, nakipag-ugnayan na siya sa ahensya, kung saan nabatid na COVID 19 cases attack rate at bed utilization lamang ang sinasabi ng DOH na nasa alert level 4 at hindi ang mismong category ng ipinatutupad na restrictions.
Binigyang diin rin ni Rosal na tanging ang Inter-Agency Task Force (IATF) lamang ang may kapangyarihan na magdeklara ng alert level status sa isang lugar.
Payo naman nito sa mga nangangambang residente na ipagpatuloy ang pagsunod sa mga ipinatutupad na health protocols sa ilalim ng alert level 3.
Nabatid na kakabalik palang sa trabaho ng naturang alkalde matapos na magsailalim sa isang linggong quarantine ng magpositibo sa COVID 9.