Natanggap na ni VP Leni Robredo ang first dose ng COVID-19 vaccine na gawa ng kumpanyang AstraZeneca ngayong araw, Mayo 19.
Sa kaniyang social media account, ibinahagi ni VP Leni na “seamless” naman ang nagiging proseso habang wala ring gaanong naramdaman matapos na magpabakuna.
“Done with my 1st dose of the vaccine. Now being monitored. Everything has been seamless. We booked at QC Protektado site via EZ Consult last May 13 for an appointment today. 18 of us from OVP, all A3s went together. Yung ibang mga kasama ko today yung mga nag urong sulong nung nakaraan.”
Nagpa-book umano ang pangalawang panguLo sa QC Protektado site sa pamamagitan ng EZ Consult noong Mayo 13 pa.
Kasama rin nito ang 18 pang empleyado sa Office of the Vice President na pawang nasa A3 priority group.
Pinuri rin nito ang Pinyahan Elementary School sa lungsod sa organisado at maayos na proseso kasabay ng paghikayat sa iba na magpabakuna na rin.
“Magbakuna na din kayo para protektado kayo at ang lahat ng nakakasalamuha niyo. Tingnan niyo yung group pic namin. Maraming takot sa umpisa pero may konting yabang na nung nagpakuha ng litrato😘”