File Photo.

LEGAZPI CITY – Umaasa ang Department of Health (DOH) Bicol na mas lalo pang tataas ang bilang ng mga healthcare workers na nais magpabakuna ng Sinovac vaccine matapos pangunahan ng mga medical department chief ang vaccination rollout kahapon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay DOH Bicol COVID vaccine coordinator Dr. Rita Mae Ang-Bon, nasa kabuuang 340 ang bilang ng mga doktor at health workers na nabakunahan ng first dose ng Sinovac vaccine sa rehiyon.

Nakilahok sa pag-uumpisa ng vaccination rollout ang BRTTH at mga pilot hospitals sa Camarines Sur.

Inihayag naman ni Bon na sa higit 300 na binakunahan may apat na nakaramdam ng adverse effect kagaya ng skin rashes at pananakit ng braso na binakunahan.

Paglilinaw lamang ni Bon na normal lamang itong reaksyon ng katawan matapos na mabakunahan.

Sa ngayon, maayos naman ang lagay ng mga ito.

Kung babalikan, 12,000 doses ng bakuna ng Sinovac ang dumating sa Bicol at 6,000 recepients ang target na mabakunahan.