LEGAZPI CITY – Ipinauubaya na ng Provincial Government kan Albay ang pagdedesisyon sa pag-lift ng class suspension o hindi, sa mga local government units.

Kasunod ito ng magkakasunod na bagyo na nakaapekto sa lalawigan at dahilan ng pagkaantala ng klase na sinikap na maituloy sa kabila ng pandemic.

Batay sa PDRRMC Advisory na ibinaba ni Gov. Al Francis Bichara, iniiwasan lamang ng hakbang na magdala ng kalituhan kung tuloy o tigil muna ang klase dahil sa pandemic at kawalan ng kuryente sa marami pang lugar.

Ayon pa sa abiso, nasa pag-uusap na rin at pagtalakay ng LGU kung kailan makukumpleto ang restoration ng suplay ng kuryente sa nasasakupang lugar.

Ilang LGU na sa Albay ang nagbaba ng kautusan sa pormal nang pag-lift ng suspension sa klase matapos ang serye ng mga kalamidad na nakapinsala sa maraming linya ng kuryente at iba pang ari-arian sa lalawigan.