LEGAZPI CITY – Ibinida ng Philippine Drug Enforcement Agency na unti-unti nang nalilinis kontra ilegal an droga ang mga barangay sa lalawigan ng Albay.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PDEA Albay Provincial Director Noe Briguel, umabot na sa 97% ang mga barangay na drug-cleared.
Kasabay nito ay ideneklara na rin na drug-clead ang bayan ng Manito at umaasa na susunod na ang bayan ng Malinao.
Sa ngayon ay tuloy-tuloy ang isinagawang monitoring ng mga tauhan ng PDEA sa mga barangay partikular na sa mga malinis na kontra ilegal na droga.
Ito ay upang matiyak na hindi na muling mapasukan ng ipinagbabawal na gamot ang naturang mga barangay.
Malaki naman ang pagasa ni Briguel na madelara na drug-cleared sa susunod na taon ang lahat ng munisipyo at lungsod sa lalawigan.
Subalit posible lang aniya ito kung makikipagtulungan ang komunidad sa pagsawat ng ilegal na droga.