Lumabas sa isinagawang survey ng Arkipelago Analytics na hindi sang-ayon ang mayorya ng mga kabataang Pilipino sa anumang uri ng social media restrictions.
Ito ay sa gitna ng lumalalang financial stress at social disconnection.
Ayon sa naturang survey, walo sa sampung mga kabataang Pilipino ang nagpahayag ng pagtutol sa social media restriction kasabay ng pagbibigay diin sa kahalagahan ng digital spaces sa araw-araw na pamumuhay.
Katumbas ang naturang bilang ng 80% ng mga respondents.
Aniya, mahalaga ito para sa komunikasyon, pagkalap ng impormasyon at pakikilahok sa public discourse.











