Malacañang assured that the government will be stricter in entering into new contracts related to flood control projects, especially against companies that failed to complete their previous projects.

LEGAZPI CITY-Inihayag ni Albay 1st district Representative na halos tapos na ang mga flood control project sa unang distrito ng Albay ayon sa report ng Department of Public Works and Highways.

Ayon kay Albay 1st district Congresswoman Krisel Lagman-Luistro, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, simula noong Mayo 2024, sa kanilang comparative study, na 80% ng mga proyekto ay natapos na para sa ilang flood control projects sa distrito.

Dagdag pa niya, na ang mga proyekto sa distrito ng Albay ay natatapos sa takdang oras at nagagamit ng maayos ng mga tao.

Dapat aniya, na kailangan din tingnan bilang isa pang sanhi ng pagbabaha ang mga road opening projects na nagreresulta sa pagkasira ng properties, kawalan ng slope protection, at flood mitigation protection.

Dagdag pa ng opisyal, kailangang malaman ng publiko na karamihan sa mga proyekto ay hindi dumadaan sa monitoring ng end-user at mahalagang dumaan ito sa tamang proseso, mula sa mga barangay, munisipyo, at provincial development council.

Mensahe ng opisyal sa publiko, lalo na sa bayan ng Malinao, ay ipaglaban ang pangangailangang maiwasan ang pagbaha at isusulong ang patas na pagta-trabaho hinggil sa mga flood control projects.