LEGAZPI CITY- Bahagyang tumaas ang bilang ng volcanic quakes na naitala sa bulkang Bulusan sa lalawigan ng Sorsogon.

Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ay nakapagtala ng walong volcanic earthquakes ang naturang bulkan sa nakalipas na magdamag.

Matatandaan na una ng sinabi ng ahensya na nagpapatuloy pa rin ang kanilang monitoring sa mga binabantayang parametro dahil hindi inaalis ang posibilidad na magkaroon ito ng biglaang pagputok.

Patuloy naman na pinag-iingat lalo na ang mga nananatili malapit sa bulkang Bulusan.

Sa kasalukuyan ay nakataas pa rin ang alert level 1 sa Bulusan volcano.